PAHAYAG NG RIGHT TO KNOW, RIGHT NOW! COALITION TUNGKOL SA PAG-WITHDRAW NG ST. TIMOTHY CONSTRUCTION CORPORATION (STCC) MULA SA MIRU JOINT VENTURE

by | Oct 7, 2024 | Infographics, Press Release, Statements | 0 comments

Nababahala ang Right to Know, Right Now! Coalition (R2KRN) sa pag-withdraw ng St. Timothy Construction Corporation (STCC) mula sa Miru Joint Venture (JV), ang nanalo sa public bidding ng PhP17.99-bilyong kontrata para sa 2025 automated election system (AES). Maraming seryosong tanong na legal, contractual, at ethical ang kailangang maipaliwanag at mailinaw ng Commission on Elections (COMELEC) sa lalong madaling panahon. Nauna nang sinuri ng R2KRN sa isang report ang joint venture agreement at kontrata patungkol sa beneficial ownership at mga tungkulin ng mga partners. Sinuri na rin ng R2KRN kung ang post-qualification process ng bidding ay masusing isinagawa ng COMELEC. Nananawagan kami sa COMELEC na sagutin ang mga sumusunod na mahahalagang tanong.

Share This